Pasahero Inaresto ng PNP sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang papa-alis na  pasahero dahil sa kasong paglabag ng Batas Pambansa Bilang 22 o tinatawag na na Bouncing checks.
Ayon sa report itong 51 anyos na suspek ay residente ng Taguig City at naharang ito matapos mag-undergo ng routine security protocol sa Immigration counter, kung saan nadiskobre na mayroon siyang naka -pending na Warrant of Arrest sa Korte.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito,ang Warrant of Arrest na ito ay inisyu ng korte noong January 19, 2018, at mayroon recomended bail na aabot sa dalawang libong pesos (P2,000) ang halaga.
Sa kasalukuyang itong suspek ay nasa kustudiya, ng Criminal Investigation and Detection Group sa Quezon City, at sumasailalim ng proper documentation at kasunod ang paglilitis sa korte ng kanyang kasong kinakaharap. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *