African National Tiklo sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Task Group (NAIA-IADITG) kahapon ang isang South African national dahil sa 6.2 kilos ng shabu na itinago sa kanyang luggage.

Ayon sa report ng BOC kinilala ang South African national na si Phillip Theunissen, 31, anyos, at nadiskobre ang nasabing shabu sa pamamagitan ng X-ray scanning at physical examination na isinagawa ng mga tauhan ng Customs.

Napagalaman na dumating itong suspek noong Sabado (Oct.12) ng umaga sakay ng Ethiopian Airlines flight ET 644 galing sa Addis ababa.

Nakuha ng mga awtoridad sa luggage ni THEUNISSE ang 6.2 kilos ng shabu na umaabot sa 42 milyon pesos ang halaga.

Agad na dinala si Theunissen sa Customs Exclusion room upang i-proseso ang kanyang mga papeles, at kasabay ang paghahain ng reklamo sa korte, dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drug Act 2000. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *