Dalawang Puganteng Koreano Tiklo sa Intramuros

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang dalawang pugantyeng Koreano habang nagre-renew ng kanilang mga tourist visa sa BI main office sa Intramuros.

 

Ayon kay Raymond Remigio, hepe ng BI’s tourist visa section, kinilala ang dalawa na sina Lee Wonwoong, 33 at Huh Hwan, 60 years old.

 

Nadiskobre sa data base ng Immigration na ang dalawa ay mayroon active derogatory records, na siyang dahilan upang dalhin sa BI detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan Taguig City.

 

Si Lee ay may kinakaharap na kasong Pandarambong sa South Korea, dahil sa pago-operate ng

Illegal gambling, habang si Huh ay wanted sa kanilang lugar, bunsod sa patong-patong na fraud cases.

 

Sina Lee at Huh ay pansamantalang nakakulong habang naka-pending ang kanilang deportation order sa opisina ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *