Illegal Drugs Na-intercept ng BOC sa NAIA

Na-intercept ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang abandonadong parcel na naglalaman ng illegal drugs.

Ayon sa impormasyon ang mga drogang ito ay galing sa bansang Thailand at tinatayang aabot sa 1,600,000.00 milyon pesos ang halaga.

At naka consigned sa ibat-ibang tao at mga residente ng Angeles City, Sultan Kudarat, Quezon City, San Miguel Bulacan, Calbayog City at Metro Manila.

Nakuha ng mga operatiba sa limang parcel ang 1,049 gramo ng high-grade Kush marijuana, at ideneklara bilang mga candy, toys, cookies, school supplies at men’s clothing.

Batay sa report ang halaga ng Kush ay aabot sa 1,468,00.00, milyon pesos, habang ang 11 pirasong vape cartridge at 19 pirasong disposable vape na naglalaman ng marijuana oil ay nagkakahalaga ng 1,920.00 libong pesos.

Ang mga drogang ito ay nasa kustudiya ng mga tauhan ng PDEA. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *