Nakumpiska ng BOC Ang Ipinuslit Foreign Currency sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 81,561.58 tawsan US dollar na hindi ideneklara ng isang pasahero na galing Hongkong.
Ayon sa report ang naturang pasahero ay isang Pilipino, at dumating ito noong September 11, 2024 sakay ng Hong Kong Express flight UO 514 galing sa binabanggit na bansa.
Kinilala ni Customs-NAIA assistant deputy collector Mark Almase ang suspek na si John Ric Hilario, at nakuha sa bag nito ang 635 pirasong tig 1,000 Hongkong dollar,at 100 pirasong tig 50 bills Hongkong dollar, katumbas ng 81,561.58 tawsan dollar.
Sa isinagawang physical examination, nakuha ng mga tauhan ng Customs Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), sa katawan ng suspek ang itm na bag na naglalaman ng currency bills at dalawang plastic na itinago sa kanyang luggage.
Agad na kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga naturang pera dahil sa paglabag ng Sections 117, 1404, at 1113 ng CMTA alinsunod sa BSP Circular No. 1146 s.2022.
At ang nasabing cash ay agad na i-turn over kay Ginoong Jonathan Mesa ng baggage assistant division ng NAIA for safe keeping, habang si Hilario ay sumasailalim ng imbestigasyon sa mga tauhan ng ESS, at kasbay nito ang inquest proceedings sa opisina ng Pasay city Prosecutors office. (froilan morallos)