Bawal Mag-Takeoff ang mga Light aircraft Kapag may Signal No. 1

Hindi na papayagan na mag-takeoff saan man paliparan sa bansa ang mga light aircraft na tumitimbang ng maximum weight na 5,600 kilos o pababa kapag mayroon signal number 1 ayon sa Civil Aviation authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, CAAP, itoy batay sa Memorandum circular 013-2023 na inisyu ni Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo na naglalayong ipagbawal lumipad sa mga light aircraft kapag may signal no. 1 upang makaiwas sa insedente.

Kasabay nito pinapayuhan ang lahat ng mga pasahero at crew sa binabanggit na commercial at general aviation flights na mag undergo ng security clearance and procedures sa mga passenger terminal building sa lahat ng CAAP operated airports kung mayroon signal no. 1.

Dagdag pa ni Tamayo, aniya aircraft flying under the Visual Flight Rules (VFR) should be avoided during storms.

At ayon pa nito aircraft are intended to operate in visual meteorological conditions, heavy precipitation, low visibility, and otherwise adverse weather conditions should be avoided under VFR.

Batay sa impormasyon walang napaulat sa mga airport sa ilalim ng CAAP ang naapektuhan nitong nakaraang bagyo Enteng.

Samantalang naitala na 38 domestics flight ang ipinakansela ng CAAP sa ibat-ibang aairport sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng ahgensiyang ito.

At ngayon araw kanselado ang Manila-Laoag –Manila at lahat ng Cebgo flight papuntang San Jose airport.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *