Magasawang American National Tiklo sa NAIA
Arestado ang magasawang American national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa vape na naglalaman ng liquid marijuana.
Ayon sa report nahuli ang dalawa sa may departure area ng NAIA terminal 4 bago makasakay sa sa kanilang Air Swift flight papuntang El Nido sa Palawan.
Nakuha sa pasahero ang dalawang maliliit na vapes na naglalaman ng liquid marijuana, pagdaaan sa final security check point ng airport.
Ayon sa pahayag ng babae ang liquid marijuana ay ginagamit niya bilang gamut sa kanyang sakit, at wala siyang alam na ipinagbabawal ito sa Pilipinas.
Sa kabila sa naging paliwanag ng asawa, hindi ito pinakingan,bagkus hinarang ang mga ito at hindi pinayagang makaalis.
Ang dalawa ay sumasailalim ng imbestigasyon sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group. (froilan morallos)