Hinihiling Ang Masusing Imbestigasyon Sa Immigration at PCG
Pinaniniwalaan na nagkulang ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) tungkol sa pagpuslit o pagtakas ni suspended Bamban Mayor Alice Guo,kapatid na si Shiela Guo at Cassandra Ong papuntang sabah.
Ayon sa pahayag ng mga bumabatikos sa Immigration, aniya kontrolado ng mga tauhan ng ahensiyang ito ang tinatawag na in and out o border ng Pilipinas, kung kayat aniya napaka-imposible ang mga pangyayari.
Ngunit sa nangyaring Senate Committee hearing on Justice of Human rights, nitong nakaraang araw tila napaniwala ni Shiela Guo ang mga ito na hindi sila dumaan sa Immigration Inspection, bagkus nakasakay sila sa maliit na banka bago lumipat sa malaking barko papuntang Sabah.
Nang walang nangyaring immigration intervention sa kabila ng malawakang kautusan ng pamunuan ng Bureau of Immigration sa kanilang mga tauhan, na bantayan ang lahat ng mga puwerto o port upang hindi makatakas ang mga ito.
Ayon pa sa mga ito, kinakailangan ipag-utos ng pamahalaan ang masusing imbestigasyon sa mga tauhan ng immigration, Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagbabantay ng mga pantalan.
Upang lumabas ang katutuhanan kung may human intervention sa pagpuslit ng mga akusado o walang nakapansin, sa kabila ng ipinag-utos ng Senado at Kongreso para sa manhunt operation laban sa magkapatid Guo at Cassandra Ong. (froilan morallos)