Pasahero Inaresto ng PNP sa NAIA

Inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security group at Villamor sub-Station 9 ng Pasay city Police Station ang isang 48 anyos na pasahero dahil sa paglabag ng  Batas Pambansang bilang 22 o sa tawag na Anti-Bouncing Check Law.

Ayon sa impormasyon hinuli ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong February 3, 2015 ni Presiding Judge Benedict Medina, ng Metropolitan Trial Court Branch 96 ng Mandaluyong City kung saan nakabinbin ang nasabing kaso laban sa suspek.

At ayon sa report naaresto ito kahapon ng umaga  sa may departure area ng terminal 3 habang sumasailalim ng usual procedures na ipinapatupad ng Bureau of Immigration tungkol sa mga pasahero bago makapasok sa boarding gate ng airport.

Bago dinala sa kulungan ipinagbigay alam sa akusado ang lahat ng kanyang karapatan, at sumunod ang mga arresting officers sa tamang proseso, katulad ng paggamit ng alternative Recording Device (ARD), alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.

Agad na dinala itong suspek sa Villamor Sub- Station 9, ng Pasay City Police Station para sa isinasagawang documentation at legal procedures bago i-turn over sa korte.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *