Pasahero Inaresto Ng PDEA Sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Customs Inter-Agency Drugs Interdiction Task group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, ang isang lalaking pasahero dahil sa illegal na droga.
Ayon sa report ang naturang pasahero ay hinuli bago makasakay sa kanyang Cebu Pacific flight papuntang Zamboanga, pagdaan sa final Security check point sa departure are ng naia kung saan nadiskobre sa loob ng kanyang pouch ang 2.2 gramo ng hinihinalang shabu.
Itong suspek ay nasa kustudiya ng PDEA at kasalukuyang sumasailalim ng masusing imbestigasyon, at kasunod nito ang paghahain ng reklamo sa opisina ng Pasay City Prosecution Office, dahil sa paglabag ng RA 9165 o sa tawag na Dangeruos Drug Act of 2002. (froilan morallos)