Taiwanese National Tiklo sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Taiwanese national dahil sa 9.3 grams ng shabu, na itinago sa kanyang katawan.
Kinilala ang naturang pasahero na si Chen Yinjyun, at nahuli ito pagdaan sa final security check point bago makapasok sa boarding gate ng naia terminal 3.
Ayon sa report pasakay ito sa kanyang Cebu Pacific flight 5J 553 papuntang Cebu ng makuha sa kanyang bulsa ng Office of the Transportation Security (OTS) personnel ang mga itinagong droga.
Maliban sa shabu nakuha din ang apat na cellphone, assorted foreign currencies, indetification cards at 25,000 pesos cash.
Ang suspek ay agad na nai-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kasabay nito ang paghahain ng kaso hinggil sa paglabag ng Dangeruos Drug Act of 2002 o kilala sa tawag na RA 9165. (froilan morallos)