Isang Buwan Human Fetus Natagpuan sa NAIA
Isang buwan human fetus ang natagpuan ng female garbage collection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, na itinapon sa loob ng garbage can.
At ayon sa impormasyon natagpuan ito ng garbage collector noong August 6 habang naglilinis siya sa may East Departure Restroom ng paliparan, kung saan nakabalot sa puting napkin..
Ayon sa report ni Dr. Donita Arnesto, Medical Doctor ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang blood stained na binalot ng napkin tissue ay isang one month-old fetus.
Agad ito dinala ng mga tauhan ng MIAA Airport Police Department (APD) sa kanilang opisina o sa station 1, para mag-conduct ng imbestigasyon upang malaman ang nanay ng nasabing fetus.
At kasabay nito nagko-conduct na rin ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine National Scene of the Crime Operatives (SOCO) at forensic laboratory tungkol sa human fetus na ito.
Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nanay ng fetus na ito upang papanagutin sa kanyang maling ginawa sa kanyang unborn baby. (froilan morallos)