Magkatuwang ang BI at PCG sa EXPATS

Inilundsad ng Bureau of Immigration (BI) sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang bagong estilo na kung tawagin,Expanded Program for Alien Typing system (EXPATS) upang masugpo ang mga illegal alien sa buong bansa.

 

Ang layunin ng programang ito,na anila to account,monitor,register,and capture all the  biometric information of foreign nationals lalo na itong mga nasa liblib na lugar sa Pilipinas.

 

Nakasaad sa kasunduan na ipo-provide ng Philippine Coast Guard sa ilalim ng pamumuno ni Admiral Ronnie Gil Galvan ang logistical assistance sa kanilang area of responsibility at maging ang security support.

 

Ang pangunahin layunin ng EXPATS upang ma-encourage ang mga foreign nationals na magpa-registered ng sa gayon maging legal ang kanilang paninirahan sa bansa.

 

Inaasahan ng dalawang ahensiya ng pamahalaan na mai-encourage ang mga unregistered foreign nationals to legalize their stay.

 

Anila walang ng rason ng mga foreigners nationals not to comply with immigration laws,bagkus sila pa mismo ang lalapit o pupunta sa mga liblib na lugar, at sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *