Puganteng Chinese National Timbog sa Paranaque
Inaresto ng mga kawani ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa pagkakadawit sa human trafficking at illegal online gaming.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si Wang Chuancong 35 anyos, at nahuli ito ng immigration operatives noong July 30, sa kanyang tinitirahan condominium sa kahabaan ng Roxas Boulevard Paranaque City.
Nahuli ito sa pakikipagtulungan ng pamahalaan China at sa bisa ng Mission Order na inisyu ng Bureau Immigration (BI).
Batay sa impormasyon si Wang itinuturong lider ng isang sindikato na nagpa-facilitate sa illegal departure ng mga Chinese national palabas ng China.
At ayon sa mga tauhan ng FSU si Wang ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Municipal Public Security Bureau ng Jinjiang China noong April 2024 dahil sa kaso o paglabag ng Human Trafficking.
Pansamantalang ikinulong si Wang sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City
habang naka-pending ang kanyang Deportation Order. (froilan morallos)