Bagong Gusali ng FDA Sinimulan ng DPWH

Sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong nakaraang araw ang construction ng 19 na palapag ng Food and Drug Administration (FDA) office sa Filinvest Corporate City sa Alabang, Muntinlupa City.

 

Ang gusaling ito ay mayroon total floor area na tinatayang aabot sa 29,136 sq. meters na inaasahang makapagbibigay sa maaliwalas na working condition sa mga empleyado,bukod sa  kumpleto at modernong kagamitan.

 

Dinaluhan ang ground breaking ceremony ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan,FDA Director General Samuel A. Zacate,First Lady Maria Louise “Liza” Araneta-Marcos, Budget  Management Secretary Amenah F. Pangandaman, at Assistant Secretary Charade Mercado-Grande ng Department of Health.

 

Ang opisina ng FDA ay nasa Experimental Animal Laboratory (EAL) building sa Alabang sa Muntinlupa City, at itinayo ito noong pang taong 1987. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *