Illegal Drugs Na-intercept sa NAIA
Na-intercept kahapon ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC),Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) at ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IAIDTG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang anim na parcel mula sa USA.
Ayon sa imporamsyon ang anim (6) na inbound parcels ay galing sa Anaheim United States of America at naglalaman ng 1,012 gramo ng marijuana kush at tinatayang aabot sa 1,434,800 milyon pesos ang halaga.
At ideneklara bilang “sweater, shirts, at wind breaker at naka-consigned kina Mike Avila, Simon Gumabao, Marvin Andres, Mikey Isidro, Andrei Araneta at sa isang nagngangalang John Vasquez mga residente ng Laguna.
Ang drogang ito ay agad na nai-turn over sa mga tauhan ng PDEA, at nakatakdang kasuhan ang mga consignee dahil sa paglabag ng Section 4, Art. ll ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangerous Drug Act. (froilan morallos)