Apat Pugante Tiklo sa Paranaque City

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Paranaque City ang apat na Japanese national na wanted sa Japan dahil sa kinasasangkutan ibat-ibang mga kaso sa kanilang lugar.

 

Ayon kay Rendel Ryan Sy hepe ng FSU nakilala ang apat na suspek na sina Ueda Koji 27 anyos, Kiyohara Jun 29 anyos, Suzuki Seiji, 29 ang edad at Sawada Masaya nasa tamang edad, at nahuli ang mga ito sa loob ng isang subdivision sa Paranaque City.

 

Batay sa impormasyon na nakarating sa opisina ng Immigration ang apat na suspek ay mayroon outstanding Warrant of Arrest na iniyu ng Omiya Summary Court nong May, 2024, dahil sa paglabag ng Japanese Penal Code.

.

At ayon pa kay Sy itong mga suspek ay founding members ng telecom fraud syndicate naka base Cambodia,at may kinakaharap din mga kasong unlawful Capture, Confinement, Extortion at Fraud.

 

At pansamantalang dinala ang mga ito sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa TaguigCity, habang pineprepara ng BI Board of Commissioners ang deportation order laban sa apat na suspek.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *