Isang Chinese National Nagpatiwakal
Isang Chinese national na pinaniniwalaaqn miyembro ng kidnap gang sa Central Luzon ang nagpatiwakal bago maaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa pinagtataguan condo sa Angeles, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Wu Fu Wen 35 anyos, at nangyari ang insedenti noong araw ng Biyernes ng pasukin ng BI operatives ang isang Condominium unit sa Angeles City na pinagtataguan ng tatlong overstaying Chinese.
At ayon sa report na aresto ang dalawa na sina Feng Zhengheng 29 at Chou Yibo 33, ngunit sa halip na sumuko itong biktima tumakbo papalayo, at ng malapit ng masukol binaril ang kanyang sarili.
Bukod sa tatlo dinampot din ang isa pang Chinese national na babae na si Wang Yan 25 anyos dahil pagiging overstying.
Batay sa impormasyon ang tatlong Chinese ay ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa siyam (9) na dayuhan, at itinapon sa ibat-ibang lugar sa Pampanga ilang buwan na ang nakakalipas.
Anim sa biktima ay mga Chinese national, tatlo ang Vietnamese, Malaysian at Japanese national.
Ang tatlong ito ay mananatili sa BI Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang linilitis ang mga kasong kinasasagkutan ng mga ito.(froilan morallos)