Bagong Ruta ng Cebu Pacific Nakatakdang Buksan sa CIA
Nakatakdang buksan ng Cebu Pacific (CEB) ang kanilang mga flight mula Clark International Airport papuntang Davao, General Santos, Iloilo at Puerto Princesa, upang hindi na mahirapan ang mga pasahero mula Central Luzon papuntang kabisayaan o kaya sa Mindanao region.
Magsisimula ang mga flight ng CEB patungong Puerto Princesa itong darating na October 2, 2024.at ang sa General Santos at Iloilo ay magi-start sa darating na October 21, 2024, habang ang sa Davao ay sa October 22, 2024.
Inaasahan na matutuloy ang sampong (10) domestic at international destinations ng CEB mula Clark, bilang pagsunod sa kanilang pangako na maging isa ang ieline na ito sa pinaka-malaking airline na nagseserbisyo sa Clark International Airport.
Ang mga pasahero ng Cebu pacific galing Clark ay maari ng mag-direkta sa kanilang mga popular destination katulad ng Boracay at ang international flight papunta Bangkok, Hongkong, Narita at Singapore.
Kasalukuyang ang CEB ay mayroon 35 domestic, 25 International destination sa Aisa, Australia at Middle East. (froilan morallos)