Teroristang Bombay Timbog sa Bacolod
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Negros Occidental ang isang Indian-Nepalese national na pinaniniwalaan pinuno ng separatist terrorist group, at wanted sa New Delhi dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si Joginder Geong 41 anyos, at dinampot ito ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.
At nahuli ito sa pakiusap ng Indian Government, upang maibalik sa kanilang bansa at kaharapin ang mga kasong kinasasangkutan criminal and terrorism activities sa kanilang bansa.
Batay sa impormasyon si Geong ay gumagamit ng ibat-ibang aliases, para makaiwas sa mga awtoridad, kabilang na dito na alias Joginder Geong at Kanta Gupta.
At kinukonsidera ito ng Indian authorities na isang notorious criminal, hinggil sa kanyang mga nagawang kasalanan, katulad ng Murder, Extortion, at Robbery.
At itinuturo din ito ng Indian Government na leader ng organized Crime Syndicate at hnatulan ito ng life imprisonment sa kasong illegal Possession of Firearm sa India.
Pinaniniwalaan din ito na may koneksiyon sa Khalistani terror group na naglalayong maka-established ng Independent Sikh State sa probensiya ng Punjab India, sa pamamagitan ng paggamit ng dahas laban sa pamahalaan.
Si Geong ay pansamantalang mananatili sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order. (froilan morallos)