Pugante na Koreano Tiklo sa NAIA

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa bunsod sa mga kasong kinakaharap.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si Sin Man Seung 54 anyos, at na-intercept ito noong June 21, bago makasakay sa kanyang Philippine Airline flight papuntang Busan south Korea.
 
 Ayon sa pahayag ng BI Interpol si Sin ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu noong February 24 ng Daegu District Court dahil sa kasong fraud.
 At ayon sa Korean Authorities nangyari ang insedente sa pagitan ng buwan ng  October 2018 at July 2019, kung saan naguyo nito ang isa sa kanyang kliyenti na mag-invest sa kanyang casino business ng halagang 820 milyon Won katumbas ng 600,000 tawsan US dollars, at pinangakuhan ng 10 percent interest rate.
At matapos malustay ang naturang halaga lumayas ito papuntang Pilipinas upang magtago.
Si Sin ay pansamantalang nasa pangangalaga ng BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, pending his deportation Order.
At kasabay nito ang inclusion ng kanyang pangalan sa listahan ng mga undessirable alien upang hindi na muli makabalik sa Pilipinas. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *