Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International (NAIA) Terminal 1 ang dalawang puganteng Chinese national sa magkakaibang okasyon, noong June 1 bago makasakay sa kanilang mga flight pauwi ng china.

Ayon sa report ang isang suspek ay wanted sa China dahil sa kasong extortion at ang isa ay mayroon pending crimnal case  before the local court at deportation case sa immigration.
 Si Jun Zhang 36 anyos ay wanted sa China dahil sa mga kinakaharap, at nahuli bago makapag-board sa kanyang flight papuntang Bangkok , bagkus nagkunayari pa ito na isang Myanmar citizen.
At nagpresinta pa ito ng Myanmar passport sa ilalim ng nagngangalan na Lu Kyin Yang, upang makaiwas ma-detect at makalusot sa pananagutan.
Samantalang, tiklo din sa mga awtoridad itong babaeng Chinese na si  Tianyi Zhang, 28 anyos, at naareso ito bago makasakay sa kanyang flight papuntang Xiamen.
Si Zhang ay mayroon nakabinbin na deportation order sa immigration dahil sa pagiging undocumented and undesirable alien bunsod sa pagkakasangkot nito sa prostitution at labor exploitation.
Mayroon kinakaharap na crimnal case si Zhang at mga kasamahan nito,sa Makati Regional Trial Court, dahil sa kasong prostitution.
Kung saan inisyuhan ang mga ito ng hold departure order ng korte upang hindi makalayas sa bansa habang on going ang mga kaso laban sa kanila.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *