Mga Kanseladong Flights sa NAIA Umabot sa 64
Umabot sa 64 ang bilang ng mga kanseladong domestic flight, resulta sa pagputok ng Mount kalaon na siyang dahilan upang ipatigil ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga naturang flight.
Ayon sa CAAP kanselado ang Cebu Pacific Manila-Bacolod-Manila flight, Davao-Manila, Gensan-Iloilo-Gensan, Langingdingan-Iloilo at vice versa, Cebu-Bacolod-Cebu, Cebu-Pagadian-Cebu, Cebu-Ozamis-Cebu, at Cebu-Tacloban at vice versa.
Habang 22 naman ang kanselado flights ng Philippine Airlines (PAL), kabilang ang Manila-Cebu-Manila, Manila Bacolod-Manila, Manila-Iloilo-Manila, Iloilo-Gensan-Iloilo at Manila San Jose , Antique-Manila.
Ipinakansela din ang dalawang Airswift flights patungong El Nido-Cebu-Elnido, at pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipagugnayan sa kani-kanilang mga airlines, bago magtungo upang hindi masayang ang biyahe.(froilan morallos)
