Service Caravan Isasagawa Ng BI sa Batangas
Hinihiling ng Bureau of immigration (BI) sa mga residente ng Batangas na i-report sa mga kinauukulang o sa kanilang opisina ang mga napapansin ilegal na dayuhan sa kanilng lugar upang mahuli sa lalong madaling panahon.
Ang panawagang ito, upang maprotektahan ang kapakanan ng mga kababaehan partukular na sa mga foreign sex offender na nagkukubli sa mga liblib na lugart lalo na sa lalawigan ng Batangas.
Kung kayat aniya manatiling maging vigilant ang mga residente at i-report ang ginagawa ng mga ito ng sa gayon ma-aksiyunan kaagad ng pamahalaan sa pikamabilis na paraan.
Matatandaan na kamakailan naaresto ng mga tauhan ng Immigration sa Taysan Batangas ang pitong chinese na illegal na nagtratrabaho sa isang quarry ng walang kaukulang permit sa mula sa Department of labor and employment (DOLE). .
at nahuli ang pito sa pamamagitan ng kanilang “Sheildkids campaign sa tulong ng intelligence agency ng pamahalaan, at local Philippine National Police ng Taysan sakop sa lalawigan ng Batangas.
Samantalang nakatakdang magsagawa ang Immigration ng service caravan sa June 7 kasama ang mga kawani ng Pontefino Hotel at residente ng pastor village, Gullod Labac Batangas City.
At ang caravan na ito ay magbibigay ng tulong para mapadali ang proseso ng BI services kasama ang visa tourist extension , exit clearance dual citizenship applications at iba pang importanting mga transactions.(froilan morallos)
