Limang Dayuhang Sex Offenders Hinarang sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan Cebu International Airport ang limang dayuhan na mga sex offenders na nagnanais pumasok sa bansa.
Ayon sa report apat ay naharang sa NAIA at isa sa MCIA, at agad na pinasakay ang mga ito sa first available flight pabalik sa mga bansang pinag mulan.
At kinilala ang mga ito na sina Alexander Balay 33 anyos, Vincent John Cherer 54 anyos, Wallance Lynn Wendel 71, Keven Edwin Daughtrey 49 anyos, at Billy Ray Robertson Jr, at si Robertson ay na-convict sa Nevada noong 1989 dahil sa panghahalay sa isang 12 anyos na babae.
Si Babay ay na-intercept sa NAIA terminal 1 pagKababa ng kanyang Philippine Airlines flight galing Tokyo, si Cheer at Wendel ay nahuli pagkababa sa kanilang mga flight mula Chengdu China at Incheon Korea.
Habang sina Daughtrey at Robertson ay nasakote sa naia terminal 1 noong May 27 pagkababa sa kanilang mga flight mula Taipei at Nevada.
At sa ilalim ng Philippine Immigration Act, nakasaad ang outright exclusion of aliens convicted of crimes involving moral turpitude, kasabay isinama ang mga pangalan ng lima sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan upang hindi na makabalik muli sa bansa.(froilan morallos)