Illegal Drugs Na-intercept ng BOC at PDEA sa CMEC

Tinatayang aabot sa 4.5 milyon pesos ang halaga ng illegal na droga ang na-intercept ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, mula sa walong inabandonang parcel.

Ayon sa report ang mga drogang ito ay galing sa mga bansa ng California at Canada, at naka-consigned sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila, Cavite, San Juan at Laguna.

Pito sa binabanggit na walong parcel ay naglalaman ng cartridge cannabis oil at ideneklarang pokemon cards, NBA cards, trading cards at mga alahas na nagkakahalaga ng 20,160 pesos.

At ang pang walong card ay ideneklara bilang GIUFT , ngunit taliwas sa nagging deklarasyon ng shippers sapagkat 3,232 grams marijuana kush ang laman ng parcel na may street value na aabot sa 4,524,800.00 pesos.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PDEA, upang matukoy ang tunay na salarin sa pagpupuslit ng mga illegal drugs na ito. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *