Malaysian national Tiklo sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) ang isang blacklisted Malaysian national bago makasakay sa kanyang flight palabas ng bansa.
kinalala ang suspek na si chong Wei Keong 38 anyos, at na-intercept ito sa may departure area ng NAIA terminal 1 bago makapag board sa kanyang Malaysian Airline papuntang Kuala Lumpur.
Batay sa rekord ng immigration si chong ay na blacklist matapos ma denied ito ng Immigration Officers dahil hindi niya maipaliwanag ang kanyang tunay na layunin sa pagbisita sa Pilipinas.
Sa resulta ng isinagawang inisyal na imbestigasyon lumalabas na si Chong ay ilegal na pumasok sa Pilipinas, kung kayat kinukonsidera ito na isang public charge.
Si chong ay mananatiling nakakulong sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Tagiug city, habang naka pending ang kanyang deportation order sa BI Board of commissioner. (froilan morallos)
