Canadian drug trafficker Tiklo sa Tagaytay City

Naaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (FSU) at Regional Intelligence Division of the National Capital Region Police Office (NCRPO) PRO4A ng Tagaytay City, ang isang Canadian national na wanted sa America, bunsod sa kinasasangkutan ibat-ibang kaso sa drugs.

 

Kinilala ang suspek na si Thomas Gordon O’Quin 38 anyos alias James Martin at nahuli ito noong May 16 sa Barangay Maitim II Tagaytay City.

 

Si O’Quin ay wanted ng Interpol dahil sa kinakaharap na ibat-ibang kaso na isinampa ng United States court laban sa kanya dahil sa pagbebenta at pagdi-distribute ng droga, sa ibat-ibang bansa.

 

Ayon sa natanggap na report ng immigration si O’Quin ay kinasuhan dahil sa pakikipag-sabwatan sa pag-distribute and possess with intent to distribute the illegal substance called methylenedioxyamphetamine (MDA) sa America at limang kilogram ng pinaghalong detetable amount of cocaine.

 

At ayon sa impormasyon na nakarating sa immigration may pinabagong kinakaharap na kaso na may kaugnayan sa pag-export ng limang kilogram ng cocaine noong taon 2014 at June 2015 mula Canada papunta sa United States.

 

Kapag napatunayan ng korte o ng United States Court si O’quin ay makukulong o papatawan ng life imprisonment maximum sa ilalim ng US penal code. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *