Isa ang patay at maraming sugatan sa mga pasahero ng Singapore Airline flight SQ 321 matapos makasagupa ang pinakamalakas na turbulence habang nasa himpapawid pabalik ng singapore.

Ang Singapore airline ay galing London lulan ang 211 passengers kasama ang 41 Singaporean nationals at 18 crew member ng biglang makasalubong ang malakas na turbulence, na siyang dahilan sa pagkasira ng ceiling o kisame bunsod sa malakas na impact ng turbulence na humagupit sa kawatan ng eroplano.
Na siyang naging dahilan sa pagkamatay sa heart attack ng isang 73 anyos Bristish national,pagka-injured ng maraming pasahero at pagkasira ng ibat-ibang party ng eroplano.
Ayon sa report bago nakasagupa ng SQ 321 ang turbulence nakasagap ito ng mensahi mula sa flight radar 24 na mayroon mga pagkulog at pagkidlat o tinawag na thunderstorms sa may bandang Irrawady Basin sa may Myanmar.
At na-encounter din ng flight na ito ang rapid change in vertical rate, consistent with sudden turbulence, na tumagal ng halos isang minuto.
Na siya naging daan upang magdeklara ang piloto ng medical emergency , at kasabay sa pag-divert ng kanilang fight papuntang Suvamabhumi Airport sa Bangkok para makahingi ng saklolo.
Sa kasalukuyang ginagamot ang mga sugatan sa Samitivej Srinakarin hospital sa Bangkok, habang ang 100 pasahero ay lumipat sa rescue plane pauwi ng Singapore.
At sa kasalukuyang ang Transport Safeti Investigation Bureau ng Singapore ay nagko-conduct ng imbestigasyon tungkol sa insedenting ito. (tony gildo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *