Libo-libong Pasahero ang Naapektuhan Dulot sa Problema ng ATMC sa NAIA
Libo-libong pasahero ang naapektuhan ngayon araw resulta sa nangyaring problema ng Air Traffic Management Center sofeware ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na siya ring naging dahilan sa pagkakansela ng 36 domestics at 20 International flights.
Sa momentong ito nakikipagugnayan ang Manila International Air Port Authority (MIAA) sa airlines operators upang maakuderan ang kalagayan ng mga pasaherong apektado sa sitwasyon, at maiwasan ang passengers congestion sa pre-departure gates at sa baggage claim area.
Patuloy naman ang ibinibigay na suporta ng MIAA sa air lines operators sa pamamagitan ng pagbibigay ng paraan o precautionary measures para matulungan ang mga affected passengers sa airport.
At kasabay nito inatasan ni MIAA General Manager Eric Ines ang kanyang mga tauhan particular na ang mga terminal Managers na maglagay ng karagdagang mga upuan at mag-implement ng contingency measures alinsunod sa irregular operations (IROPS) manual including provision of Malasakit kits.
Ipinag-utos din ni MIAA General Manager Ines na buksan ang NAIA run way sa loob ng 24 oras bilang pagbibigay daan sa affected airlines company sa kanilang isinusulong recovery flights sa araw na ito. (froilan morallos)
