Labing Anim na Vietnamese National Hinarang sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang labing anim (16) Vietnamese national na pinaniniwalaan magtratrabaho sa mga illegal gambling sa bansa.

Batay sa nakalap na impormasyon sakay ang naturang bilang ng Cebu Pacific flight galing Ho Chi Minh, at dumating ang grupong ito noong april 25.

Ayon sa report nagpanggap bilang mga regular tourist ang mga ito, at pagpasok sa primaty inspection hindi magkakatugma ang salaysay ng bawat isa, o hindi maipaliwanag ang specific ang lugar na kanilang pupuntahan.

Agad naman pinabalik ang mga ito sa kanilang port of origin, at kasabay nito inalerto ang kanilang mga tauhan sa airport upang mabantayan ang panibagong mudos ng human trafficking sa mga paliparan sa ibat-ibang lugar sa  bansa.(froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *