Security Guard Sinabon ni GM Ines

Binalaan ni Manila International Airport Authority  (MIAA) ang mga Security Gaurd na mga naka-assign sa ibat-ibang puwesto sa loob at labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bigyan ng free access ang mga  in-house media na nagkokober sa airport.

Itoy matapos harangin ng security gaurd on duty ang TV reporter ng SMNI na si Cherry Ilaw sa may entrance ng VIP parking area ng NAIA terminal 3.
Na siyang naging dahilan upang mairita si GM Ines sa mga Security Gaurd, at binalaan ang mga ito, na ang hindi susunod sa kanyang kautusan tatanggalin sa puwesto.
Ayon Kay GM Ines kapag may ID papasukin para hindi magisip ang mga ito na mayroon tayong itinatago sa kanila.
 At kasabay nito ipinatawag ni GM Ines ang Supervisor at ang Security gaurd involved ng sa gayon magpaliwanag tungkol sa nangyari. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *