Biktima ng Illegal Recruiter Naharang Sa MIA
Na-intercept ng Immigration Officers (IO) sa Mactan International Airport (MIA) Cebu City, ang isang Pilipino Overseas Contract Worker (OFW) na pinaniniwalaan illegally recruited bilang tutor at house helper sa Bangkok Thailand.
Ayon sa report ni immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) chief Bienvenido Castillo III, ang biktima ay isang 26 anyos, at hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan alinsunod sa anti-trafficking law.
At ayon sa ipormasyon nahuli ito ng mga tauhan ng I-PROBES noong April; 2, bago makasakay sa kanyang Philippine Airlines (PAL) flight patungong Bangkok.
Batay sa salaysay ng biktima isang Chinese national ang nag-facilitate sa kanyang travel, na nakilala niya sa facebook.
At pinangakuhan ng 25,000 libong pesos suweldo kada buwan bilang private tutor at house hold helper.
Sa kasalukuyang itong biktima ay naga-undergo ng masusing imbestigasyon ng MICA Inter-Agency Council Against trafficking, kasunod ang paghahain ng kasong criminal laban sa illegal recruiter. (froilan morallos)