American fugitive Tiklo sa Cebu
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives sa Cebu City ang isang American national na wanted sa kanilang lugar hinggil sa kinasasangkutan kasong pandarambong.
Kinilala ang suspek na si Paul David Cardwell 57 anyos, at nahuli ito noong March 27 habang nagpapa-extend ng kanyang tempoeray visa sa opisina ng Immigration sa nasabing syudad.
Ayon kay Visa Section Chief Raymond Remigio, dinampot ito matapos makita sa immigration system na convicted ito sa kasong felony sa kanilang lugar.
Na may kinalaman sa paglustay ng 850,000 US dollars o katumbas ng 48 milyon pesos galing o pagaari ng Wyoming hospital sa USA.
Matatandaan na naaresto din ito sa Bangkok, dahil sa naturang kaso, ngunit hindi maipaliwanag sa report kung papaano nakalabas sa kulungan.
Si Cardwell ay mananatili sa BI Detention Facility sa Tagiug City, habang pinopproseso ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners.(frroilan morallos)