Mahigit sa Dalawang Daang Dayuhang Hinarang sa NAIA
Tinatayang aabot sa 220 mga dayuhan ang hindi pinayagang makapasok sa bansa ng Bureau of immigration (BI) Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) nitong nakaraang buwan ng Marso.
Na kinabibilangan ng 150 Vietnamese, 30 Chinese at 14 Indonesian national.
Ayon sa I-PROBES tumaas na-denied ang naturang bilang, dahil sa hindi maipaliwanag ang kanilang mga layunin sa pagpunta sa bansa.
At nadiskobre din na karamihan sa mga ito, partikular itong mga Vietnamese national ay sangkot sa illegal online gaming hub sa ibat-ibang lugar sa loob at labas ng Metro Manila.
At kasabay isinama ang pangalan ng mga ito sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan, upang hindi na muli makabalik sa Pilipinas. (froilan morallos)