Tattoo Artist Tiklo Sa NAIA
Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang female tattoo artitst bago makasakay sa kanyang flight dahil sa illegal drugs na nakuha sa loob ng kanyang luggage.
Ayon sa report ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (PDEA-IADITG) ang dalawang pasahero ay mga taga Barangay Pinsao proper Bagiuo City, Benguet.
At pasahero ng Air Asia flight patungong Kota Kinabalu, ngunit pagdaan sa final check point na detect sa bagahi ng dalawa ang isang Swiss knife, scissors at plastic sachet na naglalaman ng dried marijuana leaves.
Kinilala ang tattoo artist na si Jasmine Adaoal 26 anyos, at ayon sa mga awtoridad sasali ito sa isang tattoo competition sa Malaysia.
Nakuha kay Adaoal ang 3.8 grams ng dried marijuana leaves na aabot sa 456.00 PESOS ang halaga.
Kakaharapin ng dalawang ang kasong criminal dahil sa paglabag ng sec. 26 in relation to section 5 article II ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (froilan morallos)