Kasong Kriminal ang kakaharapin Ng Mga consignee ng Illegal Drugs
Sasampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng kasong criminal ang mga consignee ng illegal drugs, dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drug Act at Customs Modernization aand Tariff Act.
Ayon sa report dumating ang mga cocaine at marijuana leaves sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noong January 19, 2024, at tinatayang aabot sa 14,825,400 milyon psesos ang halaga.
At batay sa impormasyon galing ang mga ito sa Wilmington, California USA, kung saan ideneklara bilang hardware materials, at personal items, at itinago sa loob ng isang black bolt, upang malayang makalabas sa mga kinauukulang.
Ngunit ng ipadaan sa physical examination nadiskobre ang 2,452 gramo ng cocaine ay isiniksik sa loob ng bolt at ang 1,307 high grade marijuana leaves ay tinago naman sa loob ng isang parcel.(froilan morallos)