Inilunsad Ang Singkwenta Porsyento Diskwento Para sa OFW

Inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pakikipagtulungan ng UBE Express Inc. at Lina group of Company ang 50 percent discount para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na sa sakay sa UBE express palabas ng Ninoy Aquino International Airport.(NAIA)

Pinangunahan nina OWWA Administrator Arnel Ignacio, UBE Express Chairman President Garrie David at Alberto Lina, Chairman of Lina Group and company.
Sa Ilalim ng naturang programs o partnership ang mga miyembro ng OFW ay makaka-avail ng 50 percent diskwento sa UBE express papasok at palabas ng NAIA, mag mula ngayon araw alinsunod sa napagkasunduan.
At kasabay nito magpapakalat ang UBE express ng mga passengers service agents (PSA) sa mga point to point at curbside terminals para matulungan ang mga OFW upang maka-avail ng discount fare, at kinakailangan lamang ibigay ang kanilang mga pangalan para sa verification.
Ayon sa napagkasunduan mayroon tatlong paraan kung papa-ano makalabas-avail ang isang miyembro ng OWWA sa 50 percent special rate, kung saan makakatipid ang mga ito ng 25 pesos hanggang 150 pesos kapag sumakay palabas at papasok sa airport.
At ayon sa nasabing programa, maari din magbayad ng cash o beep card o sa pamamagitan ng on line payment. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *