Dumating Sa NAIA Ang Tatlong Pinoy Transgender Na Naki-pagawayThailand
Sinalubong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa Ninoy Aquino International airport (NAIA ang tatlong (3) Filipino transgenders na nakipag-away sa local transgenders sa Thailand, sakay ang mga ito sa Thai Airways flight mula Thailand.
Kinilala ni USEC de Vega ang mga pinoy transgender na sina Andre “Carina” Castro, Christian “Sabrina” Castro at John Rich “Erich” Miranda.
Ayon sa report nangyari ang insedenti sa Bangkok, Thailand, matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Filipino transgender at ng lokal transgender ng Thailand.
Batay sa report ng Local media ng Thailand nagsimula ang gusot makaraang atakihin ng 20 Filipino transgender ang anim na Thai noble transgenders sa loob ng Soi Sukhumbit 11 restaurant malapit sa Nana BTS station.
Naaresto ng Thai Police ang apat na kasamahan sa 20 Filipino Transgender, at agad na dinala ang mga ito sa Lumpini Thai police station.
Ayon sa report ng Thai local news outlet The Nation, dismayado ang dalawang miyembro ng Thai group, dahil pinapayagan ng kanilang pamahalaan ang Pilipino na makalabas kaagad sa Thailand, bagkus they are encroaching on their territory.
Hinihiling ng mga ito na paimbestigahan ang mga Pinoy transgender naka-check-in sa Soi II, anila, whether they have gotten past the 30-day visa stamp they received upon arrival.(froilan morallos)