Cellphone At Wallet Naglaho Sa Loob Ng X-ray Machines Sa NAIA
Dismayado ang mag-asawang British national matapos maglahu o mawala ang kanilang sling bag sa loob ng X-ray machine sa may entrance ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.
Ayon kay Abigail Lynch asawa ng British national ang kanyang sling bag ay naglalaman ng kanilang mga cellular phones, wallet at indentification card.
Aniya wala sa kanyang kaisipan na maglalaho ang kanyang sling bag sa loob ng X-ray machine dahil mayroon nakabantay na security guard.
Agad niya ito ipinagbigay alam sa Airport Police Department, at sa isinagawang CCTV review footage kitang kita ipinasok nito ang kanyang sling bag sa X-ray, ngunit hindi ito,lumabas,bagkus hindi rin nakita ng security guard na nakabantay.
Sa kasalukuyang nagsasagawa ng malaliman na imbestigasyon ang mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA), ngunit habang isinusulat ang balitang ito, wala pang maibigay na paliwanag ang MIAA sa insedenting ito.( froilan morallos)