Dalawang American Sex Offenders Na-Intercept Ng BI sa CIA At NAIA

Hindi pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) makapasok sa bansa ang dalawang American national na nakulong dahil sa kasong sex crimes sa kanilang lugar.

Ayon sa report ng Immigration Border Control Unit (BCIU) na-intercept ang mga ito sa magkakahiwalay na petsa nitong buwan ng February sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Batay sa impormasyon dumating si Peter Joseph Cahill sa Clark International Airport (CIA) noong February 21 sakay ng Eva Air flight galing Taipei at si Ryan Lindley ay dumating sa NAIA noong February 26 sakay ng United Airlines flight mula sa bansang Guam.

Napagalaman na itong si Cahill ay hinatulan ng United States Court noong 2015, dahil sa pagtatago at pagko-control ng mga obscene material ng minor de edad sexual conduct.

At si Lindley ay nakulong sa States of Louisiana noong November 6, 2021 na may kaugnayan sa indecent behavior na ipinakitang nito sa isang 15 anyos na batang babae.

Sa ilalim ng Philippine Immigration Act, ipinagbabawal sa mga registered sex offenders (RSO) na pumasok sa bansa, upang makaiwas ang mga minor de edad sa mga dayuhan convicted of crimes involving moral turpitude. (Feb. 27, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *