Labing Anim Indian National Tiklo Sa Iloilo At Antique
Nasakote ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Iloilo at Antique ang labing anim (16) Indian national na nagtratrabaho sa bansa ng walang mga working permit mag mula sa pamahalaan.
Ayon sa report naaresto ang mga ito, dahil sa reklamo ng mga residente na pinaniniwalaan nagging
At nakarating din sa kaalaman sa opisina ng immigration na ang iba ay ilegal na nakapasok sa bansa sapagkat walang maipakitang travel documents sa mga arresting officers.
Lumalabas sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, mag mula kay Jude Hinolan hepe ng Bureau of immigration ng region 6, ang sampo ay nahuli sa mga Munsipyo ng Arevalo at Savana sa lalawigan ng Iloilo, at ang anim ay naaresto sa San Jose , probensiya ng Antique.
Ang mga dayuhang ito ay pansamantalang nakakulong sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang naka-pending ang kanilang deportation order na mangagaling sa BI Board of Commissioners. (Feb. 26, 2024)