Malaking Problemang Kinakaharap Ng BI Sa NAIA
Malaking problema ang kinakaharap ng Bureau of Immigration (BI) matapos ipasara noong nakaraang administrasyon ang day room sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, upang gawin bilang storage facility ng isang airline company.
Ang day room na ito, ay importante dahil ito ang siyang pinaglalagyan ng Immigration transient passengers o tinatawag na “stateless persons “ pasaherong hindi pinapayagan makapasok sa bansa.
Dulot nito napipilitan humiga sa sahig o kaya sa mga upuan ng terminal ang mga ito (transient passengers) sapagkat hindi ito maaring lumabas sa airport, for security reason lalo na itong mayroon mga pending case sa kanilang mga lugar.
Ayon sa isang security expert delikado sa mga ito ang magpalipat-lipat sa ibang terminal o ibang airport lalo itong mayroon hold departure order ng korte.
Upang matugunan ang problema ng ito, humahanap ng solution ang kasalukuyang administrasyon o pagtatayuan ng day room sa loob ng naia terminal 1.
At kasabay nito hinihiling din ng Department of Justice (DOJ) Refugees and Stateless “Persons Protection Unit “ sa Manila International airport authority (MIAA) na mag-allocate ng isang portion sa naia terminal 1 para sa day room. (Feb. 14, 2024) 
