Overstaying South African Tiklo Sa Albay

Inaresto ng pinagsamang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan at mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying South African national sa kanyang pinagtataguan bahay sa Legazpi City sa lalawigan ng Albay.

 Kinilala ang suspek na si Benjamin Michael Theron, at nahuli ito noong January 24 sa may Sikatuna St. Barangay Ilawod West, ng pinagsanib na puwersa ng BI’s Regional Intelligence Operation Unit (RIOU), Philippine Air Force Tactical Operations Group (PAF-TOG-5), National Intelligence Coordination Agency-5 (NICA-5) Naval Forces southern Luzon (NFSL), at Philippine National Police (PNP) ng Legazpi City.

At ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito,nahuli itong suspek dahil sa reklamo ng kanyang dating kinakasamang o ka-live in na Pilipina, bunsod sa pagiging abusado, pangugulo at walang galang sa kanilang mga kabarangay lalo na kapag naka-inom ng alak.

Ayon kay Fortunato Manahan Jr. hepe ng BI Intelligence Division ng Bureau of Immigration dumating itong African national noong pang taon 2018, at hindi nitong naisipan na I-renew ang kanyang tourist visa,bagkus nadiskobre pa ng kanyang mga tauhan na nag-expired ang visa nito tatlong taon na ang nakakalipas.

Aniya sa ilalim ng Immigration law, kinokonsidera ito na isang gross violation ng Philippine Immigration Act of 1940, at hindi nararapat na manatili sa bansa, kung kayat agad ito ipatatapon palabas ng bansa sa lalong madaling panahonsapagkat isa itong banta sa seguridad ng mga kababaihan. (Feb. 5, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *