Puganteng Koreano Timbog sa Angeles City

Inaresto ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean Fugitive na wanted sa kanilang lugar dahil sa pagbebenta ng droga.

Ayon sa report kinilala ang suspek na si Park Yong 43 anyos, at nahuli ito sa kanyang tinitirahan bahay sa Angeles City Pampanga.

Batay sa impormasyon ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU) si park ay mayroon Warrant of Arrest na in isyu ng Suwon District court sa Korea noong nakaraang taon,

dahil sa paglabag ng Korea’s Narcotics control Act.

nakarating sa kaalaman ng mga otoridad ginagamit ng mga Ito ang internet, upang makahikayat ng mga customers sa kanilang illegal drugs activities sa Korea.

Nakatakda naman ito ipa-deport sa lalong madaling panahon, upang harapin sa korte ang kanyang kinasasangkutan kaso sa kanilang lugar. (January 23,2024)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *