United Nation Special Rapporteur Nasa Bansa

Nasa bansa si Irene khan, upang tumulong o mag-assess sa mga pilipino journalist na may problema o may kinalaman sa mga isyu ng freedom of opinion and expression, legal and policy framework, at seguridad ng mga mamamahayag.

Si Irene khan ay kilala bilang isa sa United Nation Special Rapporteur on freedom of opinion and expression, at mananatili ito sa Pilipinas mula January  23 hanggang February 2, 2024.
At habang nasa pinas makikipagkita siya sa ibat-ibang hanay ng mga mamamahayag, opisyales ng pamahalaan, House of Representatives, Judiciary, independent institutions, International Community, academia and civil Society actors.
Magiikot din siya sa ibat-ibang lugar ng Pili[inas, kabilang ang mga lalawigan ng Cebu, Baguio at Tacloban, at nakatakda ito magpatawag ng press conference sa February 2 sa United House, kung saan magprepresinta ng report sa United Nation Human Rights Council para sa taong 2025.
Si Khan ay itinalagang United Nation Special Rapporteur on the promotion and protection of the right to freedom of opinion and expression noong July 17, taong 2020.
Ito ang kauna-unahan babae na humawak ng position na ito mag mula ng itatag ang United Nation Rapporteur noong taong 1993, nagtuturo din siya sa graduate institute of International and Development Studies sa Geneva.
At dati siya Secretary General of Amnesty International mula taong 2001 hanggang 2009, at naging pinuno  ng International Development Law Organization (IDLO) taon 2012 up to 2019.

Ang Special Rapporteur ay kabilang sa tinatawag na Special Procedures of the Human Rights Council, isa sa pinakamalaking Organisasyon na bihasa sa UN Human Rights system, at independent fact-finding at nag momonitor at tulong pagdating sa human rights violation. (January 23,2024).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *