400 Tawsan Naibalik Sa May-ari

Nai -balik sa may-ari ang 400 libong piso na natagpuan ng isang Senior Citizen noong Biyernes sa may parking area ng Ninoy Aquino International airport (NAIA) terminal 2

Ayon kay Dominique Garcia, may -ari ng nasabing halaga, kinuha niya ang naturang kantidad sa kanyang customer bilang bayad sa kanyang auntie on line gold selling.

Ayon kay Garcia nakahalo ito sa iba pang niyang daladahin kung kayat hindi niya namalayan na nahulog sa may parking area kung saan nakaparada ang kanyang sinasakyan taxi.

At Nakita ito ni mang Fernando Cua, ang binabanggit na senior citizen bago siya makarating sa kanyang  sinasakyan taxi, kung saan dinampot niya ito, kasabay binuksan ang paper bag, at nakita niya ang bundle-bundle na pinaghalong tig isang libo, 500 bills, isang daan 50 piso bills.

Ilang minute bumalik si Garcia at wala siyang nakitang tao sa parking area, at manabuti na magpa-blotter sa Air Port Police, agad naman ni-review ang CCTV ng airport at nakita ang plate no. ng sasakyan ni mang Cua. At sa tulong ng land Transportation Office (LTO) natuntun ang Address ni Cua sa San Juan.

Nakipagtulungan naman ito sa mga otoridad upang maisauli ang pera kay Garcia. (January 17, 2024)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *