Mga Dayuhang Sex Offenders Bawal Sa Bansa

Limang dayuhan na pawang convicted of sex offenses ang hindi pinayagan makapasok sa bansa sa unang dalawang lingo ng taong ito, ayon sa reports ng immigration Border Control and Intelligence Unit (BCIU).

Ang dalawa ay nakilala na sina Carvin Renee White 57 anyos, at Edward Edison 47 anyos mga American national, at na-intercept ang mga ito sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ayon sa mga taga BCIU si White ay dumating sa MCIA nitong nakaraang lingo, sakay ng Cathay Pacific flight galing Hongkong, at si Edison ay dumating sa NAIA terminal 3 noong January 13, sakay naman ito ng United Airlines flight mula Guam.

At ayon report na nakarating sa immigration si White ay nakulong sa Alabama noong taon 2002 for sexual misconduct against a 14 year old girl, at si Edison ay nakulong noong 1994,  dahil sa kasong panghahalay ng isang 13 anyos na babae.

Sa ilalim ng section 23 (a) ng Philippine Immigration Act mahigpit na ipinagbabawal na pumasok sa bansa ng mga dayuhan na naparusahan ng kasong na may kaugnayan sa moral turpitude.

Ang dalawang ito ay agad na pinasakay sa first available flight pabalik  sa kanilang mga lugar sa America, at kasabay nito isinama ang mga ito sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan upang hindi na muli makabalik sa Pilipinas. (jan. 15,2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *