400 aliens Gumagamit Ng Pekeng Kumpanya

Nasa 400 ang bilang ng mga dayuhan na pinaniniwalaan peke ang pinaglilikurang kompanya sa Pilipinas,itoy resulta sa sabwatan ng mga travel agency na may transactions sa Bureau of Immigration (BI).

Sa isinagawang inisyal imbestigasyon pinaniniwalaan na kasabwat ang 40 travel agencies at mga liaison officers sa mudos ng pamemeke ng mga kompanya dito sa Pilipinas.

Ayon sa resulta ng imbestigasyon tinatayang aabot sa 116 mga pekeng employers ang nagkakanlong sa mga illegal aliens sa Pilipinas sa tulong ng mga liaison officer ng mga travel agency na ito.

Samantalang hinihinalang may kasapakat ang mga ito (Liaison officers) sa loob ng immigration na siyang nagpa-facilitate o gumagawa ng kababaglaghan, upang pamadali ang approval ng kanilang mga 9 (g) visa application.

Matatandaan na ang Department of Labor ang may hurisdiksiyon sa lahat ng mga kumpanya na nago-operate sa loob at labas ng Metro Manila, at ito din ang nagi-isyu ng working permit sa mga aplikante.

At batay sa impormasyon ang dole ay hindi magbibigay ng working permit kung hindi existing ang kumpanya na papasukan.

Noong nakaraang taon umabot sa 459 aliens ang nadiskobreng gumagamit ng pekeng kumpanya, sa kanilang 9 (g) visa application, matapos ang audit verification and compliance division (VCD) ng immigration. (January 17, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *