1.5 Milyon Droga Nasakote Sa NAIA

Nasakote ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center (CMC) ang 1.5 milyon pesos halaga ng illegal drugs, mula sa apat na abandonadong parcel.

 

Ayon sa report ang unang parcel ay naka-consigne sa isang nagngangalang JC Sarmiento ng San Mateo Rizal, at ideneklara ang mga ito bilang sextoy tamble kung saan itinago ang 116 gramo ng marijuana kush.

 

Ang pangaalawang parcel na naglalaman ng 225 grams at 8 vape cartridges liquid marijuana na ideneklarang Cushion repair kit, ay naka-pangalan kay Tine Tungpalan ng Ilocos Norte.

 

At ang pangatlong parcel na naglalaman ng 114 grams ng shabu ay ideneklarang Nintendo Game / Play Station Game, at naka-consigne kay Andy Ortaleza ng Angeles City, Pampanga.

 

At ang pang-apat na parcel na ideneklara bilang mga merchandize ay naglalaman ng 26 vape cartridges ng liquid marijuana, 12 grams ng Kush at 32 grams ng high grade marijuana, ay pagaari o naka-consigne sa isang Mark Truzan ng Leveriza St. Pasay City.

 

Ang mga nakumpiskang drugs ay nasa mga tauhan Philippine Drugs Enforcement Agency, at kasalukuyang nagsasagawa ang mga ito ng karagdagan impormasyon at pagkakilanlan ng mga consignee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *